ITO ANG BUHAY

(THIS IS LIFE)

Nagmistulang kanlungan ng mga taong
gahaman sa pera at kapangyarihan
ang tulay ng pag-asa.
Nagiging mapusok ang bawat tinig
na nagmumula sa pusod ng kalupaan.
Tanging tinig Mo lamang
ang nagpapa-alala na kay saya ng buhay,
tugon sa napunyal kong damdamin
at sa nadurog kong karimlan.
Sana humigit pa sa ilan pang salinlahing darating
ang bugso ng Iyong pagpapala.
Panatilihing buhay ang buhay.
Ito ang aking hiling.

Comments

  1. This was a really nice read. You have a cool blog!

    www.modernworld4.blogspot.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts